Updates (as of September 30, 2010)

You may experience some difficulties in logging in to www.brewratslive.tk but you may also go to it's other link at www.brewratslive.co.nr . Thanks and enjoy the summary of past episodes of the show :) Of course, the live streaming is off as long as the rats will find their new radio station Made by a brewster, for the brewsters!
Photobucket

More Updates/Facebook & Twitter

Just search for Brewrats Live in Facebook, click the link and click the "like" button. More discussion plus other activities in the said Facebook fan page.
Also, follow us on Twitter @brewratslive
Starting April 28 2011, you'll have to click the blog post title to see the entire blog post. Thanks

Sunday, March 13, 2011

Ramon in Tonight With Arnold Clavio Part 3 (word-by-word)

(click the blog post title to see the entire article)

FYI, Ramon's guesting at Tonight With Arnold Clavio had a replay last March 6, 2011


Here's the part 3 of that guesting. This contains the first part of the show. Beside the host Arnold Clavio, there was an LCD TV with that photo slideshow of Ramon's pics

Arnold Clavio (A): Ayos, ayos! Paranng may kakumpetensya na tayo sa gandang lalake nito sa ano, News TV. Ikaw na yun.

Ramon (R): Kamusta kayo dyan?

A: At syempre, naku! Napanood namin yung plug (He talked about the May Tamang Balita ad video). Parang plug pa lang e, tawa na kami ng tawa. Anong klaseng balita ba ang mapapanood ng ating mga Kapuso sa May, May, ano ba?

R: May Tamang Balita

A: May Tamang Balita...

R: May tama kasi may patama yung mga balita kaya may tamang balita sa, ah...

A: (He's looking at the TV plug of the said show from the LCD TV). Wow, high-res a, nakasando! (Ramon was in a scene of an important story in PHL history reporting with just sando and shorts)

R: Yan, yan, ako yan! Ako yung panahon ni...

A: Wow! Ok yun a (he's still looking at the said TV plug)

R: Yan, so yung mga balita, may patama siya. Sa rally totoo. Kung nag-iisip ka, malalaman mo yung ano yung pinapatamaan namin, Sir

A: At ano ang kaibahan nito sa ibang news? Sa yung Saksi ko (GMA) o yung Balita Pilipinas (GMA News TV) at ano ang kaibahan. Newscast din yun e.


R: Yun e bukod sa lamang kayo ng konting paligo sa akin...

A: Naman, naman! (smiling)

R: Ayun sa amin e feast ng katatawanan. Yun syempre, yung kredibilidad namin e di pa masyadong mataas katulad ng sa inyo yung "Sandigan ng Katotohanan"

A:Yun nga yung ano e. Bukod sa pagiging TV host, natatawag ka talagang "Jack Of All Trades" kasi isa po siyang propesor sa UP...

R: Halata naman, di ba? Halata naman

A: Radio DJ, TV director at commercial model

R: He, he

A: Commericial model? Endorser pa! OK, isa-isahin natin...

R: Overall, gandang lalake talaga

A: Tuloy tayo, anong subject ba tinuturo mo sa UP?

R: Ah, Film po. Bale, sa College of Mass Commnication, sa Film Institute. Tinuturo ko yung mga subject na documentary film, editing, saka kung anu-ano pang subject na...ang dami ko kasing alam gawin e kaya nahihirapan silang ibigay sa akin

A: Yung pagdi-DJ mo naman sa radyo, gaano katagal yun? Parang segment yun, di ba?

R: Yung group, yung tinatawag na The Brewrats so dapat dahan-dahan ka sa pagsasabi kasi alam nyo naman baka PG-13 ito

A: Ano?

R: Brew-rats kaso yung istasyon namin nagsara kaya...

A: Ah, wala na?

R: Sa internet na lang kami nagbobroadcast ngayon

A: Yun, ok yan. Pwede na, pwede na. TV director, ano na mga nadirek mo? Hesusmaryosep! (the LCD TV showed Ramon's 2011 calendar as he was half-naked with short shorts in that photo). Propesor po siya sa UP, san yan?

R: Sa Ilocos Norte po yan so

A: May kalendaryo ka pala talaga?

R: Sa 2011, may bagong calendar. 2010, meron din. 2012, pabawas ng pabawas ng kasuotan. Ok maybe...

A: Ok, ano yung mga nadirek mo na, 'Mon?

R: Nagdirek na ako ng mga documentary shows tapos public affairs program ganyan

A: pero itom bale balita ko isa ka daw magaling na magician?

R: Dalubhasa po ako ng black magic (the program showed a video clip of Dan Michael that was shown on MTV Philippines)

A: Sample naman dyan! Magic! Magic! Magic! Magic!

R: Para sa mamamayang Pilipino e. Bigyan mo ako ng nakakagimbal na music dyan. (the house band granted Ramon's wish) Sir Arnold, nakakita ka na ba ng biscuit na nawawala?

A: Biscuit na nawawala? Aba, bago yan! Di pa ako nakakakita nyan.

R: Sige, biscuit na pero eto muna. May baon ako lagi (it was a piece of crackers just like Sky Flakes)

A: Oop, walang kokontra! Biscuit?

R: Biscuit, walang daya yan. Walang lubid yan. Wala, wala, walang tali.Walang kukurap, boys & girls.

A: Walang kokontra, eto na!

R: Ilalagay ko yan sa aking kanang kamay...at ililipat sa kaliwa...yan...andito...bubudburan ko yan ng magic powder, magic, powder, magic powder, magic powder (but the truth was he only pulverized the biscuit inside his left hand). Ayan, wala na!

(Applause and laughter from the crowd)

A: Nagkalat ka lang e! Ok, ang dami mong ginagawa, ano pa ang, ano pa ang pwedeng gawin ng isang Ramon Bautista?

R: (audio blurred at the early parts)...hindi naman natupad. Hindi, gusto ko talaga maging astronaut. Ang problema lang, walang spaceship sa Pilipinas kaya bumabawi na lang sa dami...

A: Ok, kahit ang dami-dami mong ginagawa, meron ka pa rin bang oras sa pag-ibig?

R: Yun ang tanging bisyo ko, umibig

A: Bisyo? 

R: Masama yan e, pag-ibig

A: So papano, anong explain mo sa pag-ibig?

R: Ah, unang-una, dapat di na ako manliligaw. Gusto ko sana silang lalapit sa gandang lalake ko. Kapag ka hindi gumagana yun. pinepeke ko. Kunyari, hindi ako interested. Ganun...so ngayon, wala pa namang kumakagat pero someday, makikita ko na rin na merong din na...

A: So, itinuturing ka raw ngayon na isa lang love guru? Ok, subukan namin, a. Una eto, meron kaming nakalap na ilang problema rito. Sige, bigyan mo sila ng payo ano? Aong love advice mo sa mga kabataan na mapusok dahil 1st time pa lang umibig?

R: Mapusok? Rume-raging hormones po talaga yung kabataan na yan so kung taga-Alabang sila medyo mahihirapan sila kasi kailangan ng prescription dun e di ba para bumili ng protection. Um, siguraduhin nyo na above 18 kayo kasi pag hindi, isipin nyo na lang yung pag-aaral nyo. Yun saka mahal kayo ng magulang nyo

A: Good, good. Nice. Next problem, single siya at di pa rin nakakahanap ng makakaunawa sa kanya. Eto yung mga walang boyfriend at wala pang girlfriend. Anong mapapayo mo, Mon?

R: Titignan nyo po muna yung mukha nyo sa salaamin for 10 secs. tapos itanong nyo sa sarili nyo "Bakit wala ka pang syota hanggang ngayon?" tapos siguro, marerealize na nila yung sagot.

A: So mukha nila ang problema?

R: Di ko sinasabi yun pero siguro 80% ng walang boyfriend e yun ang problema e

A: Ok, hayaan mo na. Marami pa kaming tanong para sa iyo at di pa tapos ang panalo nating kwentuhan kasama si Ramon Bautista, propesor? May baon pa siang kwento sa Tonight With Arnold Clavio

Seja o primeiro a comentar

Post a Comment

TOPO