Updates (as of September 30, 2010)

You may experience some difficulties in logging in to www.brewratslive.tk but you may also go to it's other link at www.brewratslive.co.nr . Thanks and enjoy the summary of past episodes of the show :) Of course, the live streaming is off as long as the rats will find their new radio station Made by a brewster, for the brewsters!
Photobucket

More Updates/Facebook & Twitter

Just search for Brewrats Live in Facebook, click the link and click the "like" button. More discussion plus other activities in the said Facebook fan page.
Also, follow us on Twitter @brewratslive
Starting April 28 2011, you'll have to click the blog post title to see the entire blog post. Thanks

Sunday, March 6, 2011

Ramon in Tonight With Arnold Clavio Part 2 (word-by-word)


Here comes the part 2 of the summary of Ramon's guesting last March 3, 2011 on Tonight With Arnlod Clavio shown on GMA News TV. This time, we had the "word-by-word" version of the second part of the said program. Here it is:

Arnold Clavio (A): Balik tayo sa Tonight With Arnold Clavio. Kasama pa rin natin si Prof. Ramon Bautista. Balikan natin yung kabataan mo.

Ramon Bautista (R): Kabataan? Ok lang naman yun, e

A: Kahit noon ba, marami ka na ring gustong gawin sa buhay mo?

R: Di nung kabataan ko, sobrang mahiyain ako. Sa bahay lang ako, ayokong pumasok sa skwela, kasi iniisip ko yung mga manok sa amin. Masaya naman sila. Nakatambay lang sila dun pero narealize ko na yung mga manok pala kinakatay so ayoko na lang maging manok

A: So di dun ka na naexpose sa labas?

R: Yah, lumabas-labas na ako ng konti, ganyan tapos ok naman pala na may ginagawa

A: Bilang film teahcer sa UP, makulit ka raw magturo?

R: Depende kasi minsan may mga slow...

A: O seryoso ka rin?

(Click the blog post title to read the entire interview)
R: Kailangan paulit-ulit yung sinasabi ko kaya parang makulit so sa tingin ko, mas seryoso ako sa pagtuturo. Baka bumagsak sila pagka hindi...

A: Pag, pag?

R: Pag seryoso ka?

A: Eto pa, isang sorpresa sa iyo, Ramon at makakapanayam natin sa pamamagitan ng telepono...

R: Di ko alam kung sino yan e

A: Narito na, ang co-DJ mo. Walang iba si...Tado

R: Naku!

Tado (T): Hello?

R: Hello, Tado!

T: Magandang, magandang, magandang gabi

A: O, yung t-shirt ko, wala pa

T: Oo nga e, di pa kasi (audio part not that clear), Igan

A: Lalaking walang pahinga. Ok, anong klaseng kaibigan...

R: Tado, wag mo kong siraan (laughs)

A: Di ok na. sa tagal ng panayam sa iyo, ok na. Anong, gaano, anong klaseng kaibigan si Ramon, Tado?

T: Naku! Ah....

A: Sa grupo nyo ang Brewrats

T: Uum, Si Ramon Bautista sa di nakakaalam ng maraming tao napakasensitibong tao nyan. Sensitibo yan. Bilang patunay ng pagiging sensitibo nya ang sukatan e nag-alaga siya ng aso, Japanese Spitz na di kumakain ng dog food. Kanin baboy yung kinakain ng aso nya.

A: Ano yung kinain? Kanin baboy?

T: Kanin baboy. Ewan ko kung ba't ganun

R: Maselan kasi maselan. Sensitive

A: Ano pa, ano, ibuking mo e buking mo ano pa ang kagandahan ng pagiging kaibigan mo siya?

T: Dyan ko natutunan sa kanya na ano na maging mapagmahal sa kapwa...

R: Yan, tama yan!

T: pero si Ramon Bautista e sumobra naman, Sobrang pagmamahal.

A: Bakit naman?

T: Akala nya lahat ng mga taong, lahat ng mga babaeng nakanigiti sa kanya ay akala ay may gusto sa kanya kaya madalas...

R: Marupok ako, e

A: Love guru nga e

T: Madalas yan pinipikon ng mga babae

A: May mensahe ka sa kanya, Tado? Sa kanyang bagong show dito sa News TV, yung May Tamang Balita? Anong mensahe mo sa kanya?

T: Bagay na bagay nga yun para kay Ramon Bautista. Oo kaya congratulations pre. Utang na lang ako sa susunod mong sweldo

R: Salamat, Tado!

A: Salamat, Tado. Salamat ah!

T: Thank you! Thank you, Igan.

A: Wag mong kalimutan yung t-shirt a (then Arnold now talking to Ramon) Si Tado, sa Marikina e 'no?

R: Oo, may mga t-shirt yan

A: Isasalang ka na namin dito. Hawakan mo itong may thumbs up saka thumbs down. (Arnlod gave some pictures of thumbs up ans thumbs down signs to Ramon). Magsasabi ako ng ilang isyu ng bayan at bilang isa sa mga batikan na newscaster...

R: Ano yan? Alin ba dito yung thumbs up dito? Ito ba o ito ba? Parehong tumbs up e (The thumbs down sign was in an opposite state so it looks like the same as the thumbs up sign)

A: Di, baba mo yung isa. (The signs were now in order). Yan, yan!

(They still had some clarifications on the 2 said signs)

A: Narito yung unang isyu. Thumbs up o thumbs down? Kilos protesta laban sa mga diktador? Yung mga nangyayari kagaya sa Libya?

R: Ok yan! (He chose the thumbs up sign)...

A: At saka bakit?

R: Syempre, kailangan natin ang kalayaan pero pag yung sa Libya...

A: Kahit na yung resulta sa atin ay mataas na singil ng presyo ng langis?

R: Ih! Gawa-gawa lang yan ng mga petroleum companies na dahilan. Lagi na lang nagtataas

A: Ayan na po, lumalabas na ang pagiging newscaster (A little laughter to both men). Next issue, pagdami ng CCTV cameras sa mga pampublikong daanan

R: Naku! Thumbs down tayo dyan (He chose the thumbs down sign)

A: Bakit, bakit?

R: Kasi syempre halimbawa, yung kaibigan kong si Tado. Yung kotse niya, walang tint. Kung saan-saan yan pumapark yan. Syempre, may mga kasama yan na maga kaibigan nya. Kaibigan lang naman. Yung tumititig sa kanya e marupok, napaibig siya. Pag na-video siya nun tapos naupload sa Youtube yan, iba na naman ang interpretasyon ng mga mamamayang Pilipino nyan

Seja o primeiro a comentar

Post a Comment

TOPO